One of the biggest corporations. Takbuhan ng mahilig mag-shopping. Takbuhan ng barkada. Tambayan. Kainan. Name it, halos lahat meron sila.
Pero, bakit ganon sa admin nila? parang ang layo sa panlabas nila.
Hindi ko lang lubos maisip na, nakakarinig ako ng mga reklamo about sa pamamalakad nila. Bakit naman kasi ganon? sadya bang kulang na sa orientation ang mga empleyado ngaun? lalo na sa mga may mas matataaas na katungkulan? hindi naman yata dapat ganon, kasi kasiraan nila yun eh.. Like ung mga newly grads na gusto at excited mag-work, nawawalan ng gana dahil sa mga ganung tao.. hindi naman kasi talaga tama yon.. kung may naging mali ang ibang empleyado, hindi naman kasi siguro tama na hiyain un sa ibang tao kasi ginagawa naman nila ung trabaho nila. Tsaka hello?! wala namang pakialaman ng gamit, lalo na ung mga personal na gamit, kasi hindi porket mas mataas ang katungkulan mo eh pwede mo na pakialaman lahat. hindi mo pag aari ang mga empleyado. AT FYI....... Hindi sayo ang SM, at kung sayo ang SM, mas lalong hindi ka dapat umasta ng ganyan. Okay?! Konting pang-unawa naman sa ibang tao, dahil sigurado ako na inuunawa ka nila sa abot ng makakaya nila.
Yun lang. Nga pala, hindi 'to para lang sa SM , para 'to sa lahat ng empleyado at sa may mga katungkulan sa trabaho.
Tandaan: Lahat ng kawalangyaan ay may kabayaran.
"Ngayon, takbuhan ng mahilig mag-shopping, takbuhan ng barkada, tambayan at kainan lang ba sila? O tinatakbuhan na ba sila dahil sa pamamalakad nila at sa pagkain nila ng tiwala sa sarili? Isip. Isip."
SM, sana lahat ng empleyado niyo ay nasa tamang lugar. Kasi Nasisira ang pangalan niyo. Sobrang nakaka-bother kasi if I was in those places(ng mga empleyadong nadamay), mawawalan din ako ng gana na magtrabaho. At hindi maganda yon, lalo na sa mga newly grads, Im afraid na 2yrs from now, pagkagraduate ko, maranasan ko din ung ganyan sa ibang company to think na sa SM mismo eh nararanasan ung mga ganyan. Tama ba?
*BOTHERED*